Sinasabi ng Bibliya, “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mundo, kaya’t ibinigay Niya ang Kaniyang kaisa-isang Anak, si Hesu Kristo, upang ang sinumang sumasampalataya sa Kaniya ay hindi mamatay, ngunit magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Sinabi ni Hesus, “Naparito ako upang magkaroon sila ng buhay at maging masagana ito” — isang ganap na buhay na puno ng layunin (John 10:10).
2. Nawalay
Makasalanan tayo at nawalay sa Diyos.
Lahat tayo ay nakagawa, nakapag-isip o nakapagsabi ng masasamang bagay, na tinatawag ng Bibliya na “kasalanan.” Sinasabi ng Bibliya, “Ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23).
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, espirituwal na pagkawalay sa Diyos (Roma 6:23).
3. Hesus
Ipinadala ng Diyos si Hesus upang mamatay para sa iyong mga kasalanan.
Ito ang mabuting balita:
Namatay si Hesus sa ating lugar upang maaari tayong magkaroon ng ugnayan sa Diyos at makasama Siya nang walang-hanggan.
“Ipinapakita ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin, na kahit tayo’y makasalanan ay namatay si Kristo para sa atin” (Roma 5:8).
Ngunit hindi ito nagtapos sa Kaniyang pagkamatay sa krus. Bumangon Siyang muli at patuloy na nabuhay!
“Namatay si Hesu Kristo para sa ating mga kasalanan … Inilibing siya … Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw, ayon sa Kasulatan” (1 Corinto 15:3-4).
Si Hesus ang tanging paraan tungo sa Diyos.
Sinabi ni Hesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay; walang makakarating sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).
4. Manalangin
Manalangin upang matanggap ang kapatawaran ng Diyos.
Ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Diyos. Kilala ka niya. Ang mahalaga ay ang saloobin ng iyong puso at iyong katapatan. Manalangin ng isang dasal tulad nito upang tanggapin si Hesus bilang iyong Tagapagligtas:
“Hesu Kristo,
humihingi ako ng kapatawaran para sa mga maling nagawa ko sa aking buhay. Salamat sa iyong pagkamatay sa Krus para sa akin, palayain mo ako mula sa lahat ng aking kasalanan at patawarin mo ako ngayon. Mangyaring dumating ka sa buhay ko at punuin mo ako ng iyong Banal na Espiritu. Manatili ka sa akin habambuhay.
Salamat, Hesus!”
Matuto pa tungkol kay Hesu Kristo.
100% Pribado